Monday, September 1, 2008

HUMANITIEEEEEEEEEES^_^

First day ng humanities.Yaaaaaaaaay wala na namang gagawin...

Di ko alam kung anong isusuot.Yun pala house color na agad. aaaadik...Orange na naman kami.Pero hindi agad yon yung sinuot ko. May prod. number kasi ang maSKara tapos ang role ko e isang bagyo...hahahaha.

So simula 7.30, kasama ko yung mga katoks sa BRHM, nagpapracitce kami... tas graaaaabe... Akala ko, hindi seryoso yung pagiging wet look namin...Yun pala dapat talagang wet look.Tas sabi ko, akala ko ba yung students lang na bida yung mababasa??? HINDI DAW...Kelangan din daw mabasa yung mga bagyo... andaya..
Takteng wala na kong pampalit sa pantalon kong iyon e...pero wala din...hahaha In-enjoy ko na lang yung pagkabasa naming lahat..as in basang-basa kaming lahat...habang pumupunta kami sa grandstand (kasi magpapalabas na kami), tumutulo kami...As in literal yung pagka-wet look..hahahaha

Pero wala pa rin namang kwenta yung pagkabasa namin.Bumilad kami sa initan habang nagpapalabas.hahaha Tapos kawawa yung mga tao...ang init-init pala sa lagay nilang yon..haaaaaaayy...
Balik sa play, maliit lang role ko...pero ang astiiiiig ng storyang ginawa ni mam R...
ganto kasi yon:

tungkol yon sa mga students ng IV-Atom ng Pisay sa taong 2049. nakasabit sila sa isang tree tas doon, maguusap sila tungkol sa nangyayari. ang lakas kasi ng bagyo tas hindi nila alam kung anong gagawin nila. kung lumusong ba sa baha o maghintay na lamang sa punong iyon. habang nakasabit, pinag-usapan nila ang kabilisan ng pagbabago ng panahon. pinag-usapan din nila kung magigiba na nga ba ang Pisay o hindi? iniisip nila ang gobyerno at kung paano nila pinatatakbo ang Pilipinas. Pinag-usapan nila kung anong maaaring gawin ngayong sila ay stranded sa nag-iisang punong nakatayo. hanggang sa dumating ang kanilang teacher sa Bio. tapos, nagkwento yung teacher na to tungkol sa Pisay dati. Kasi batch 2009 daw siya. noon daw, subjects pa ang Filipino, ValEd atbp, hindi electives. noon daw, may oval pa kung saan nagsostroll, hindi isang quantum mechanics building. isang PARAISO raw ang Pisay noon kumpara sa taon nila ngayon. nang sila ay nailigtas ng isang helicopter, biglang nagflash back ang eksena patungong 2008. lumiit ang puno hanggang sa naging lupa. at biglang pumasok si ma'am Caintic na may dalang halaman na tsaka pa lang itatanim.^_^

astig diba??^_^ kaso, dahil nga mainit at hindi kami masyadong practiced, hindi naintindihan ng karamihan, madami pati kaming naligtangans scenes.open pa naman yung area at dadalawa ang mic. malas na lang namin.hahahah

pagkatapos ng play,diretso kami sa dorms, para magpalit ng damit. at naawa ako sa sarili ko kasi dalwa lang ang pagpipilian ko: ang maghintay sa dorm habang pinatutuyo ang aking maong pants o tumuloy sa opening salvo nang basa ang pantalon. wala pa kasi akong damit na pwedeng ipanlabas, galing nga kasi ako sa bahay so sa hapon pa dadalhin ng parents ko damit ko. SO... imbes na mapahiya, nagstay na lang ako. pinlansta ko ng sobrang tagal yung maong at nang natapos ako ay tapos na ang opening salvo...hahaha

tapos nagstay pa kami ng ilang minutes sa dorm kasi sobrang nainitan si Riscia at Msk so medyo nahihilo sila. tapos kung kelan may balak na kaming bumalik, napagalitan kami ng isang COCC. hindi naman napagalitan, kinuha lang pala yung ID. tas sabi ko maSKara ako at nagpatuyo pa ko ng damit kaya nalate ako pero hindi ko naipagtanggol sina Msk at Riscia...): haaaayyyy.

nagpatuloy yung games. tas yun...

bumalik ako ng dorm na medyo nag-aalala pa rin sa Dikum namin kahit buo na. medyo sabog pa rin kasi. tas yung practice bukas sinabi na sakin ni nico. sana enough na yon para maging matino yung Dikum namin... GO SR!!!^_^

No comments: