Friday, September 5, 2008

Foundation Day na naman...

Dumating na naman ang Foundation Day..kung kelan pipilitin mong makinig sa mga speakers na nasasapawan ng ingay ng iba na minsa'y dinaragdagan mo.. ang boggart kasi e..hindi naman sa kinamumuhian ko ang mga speakers pero sa sitwasyon ko, namin, mahirap makinig nang mabuti.. at di mo na lang maiiwasang wag na lang din makinig at sa halip ay makisabay na lamang sa ingay.hahaha

pero naisip ka na malamang ma COCC na namang magbabantay so para safe, nagdala na lang ako ng papel at ballpen!^_^ yaaay.. nag ballpen art kasi ako kagabi.. title niya 'fences'..kanta ng paramore. pinagawa kasi siya ng kaibigan ko sa gradeschool. kaso naisip ko na paghihirapan ko tas di ko ibibigay ko lang din sa huli..naks..haha salamat sa payo nina Mai, Minnie, at Adie..hahaha hnteinkyu hmberimahts..hahaha

so, nagsimula na ko magdrawing, tas napansin nina Nico, Joanna at Sam na script daw yon.. sabi ko oo, kasi si tita nagwowork sa ABS so pag tapos na niya basahin yung scripts, ginagawa na lang naming scratch..hahaha tapos sa likod namin, bigla silang nagbasa.haha para tuloy kami nakikinig ni Riscia sa radio.yung mga OA na telesrye sa radyo na "aah!mamamatay na ko dahil sa saksak mo" na ewan...hahaha nakakaaliw..

tas dumating na yung part kung san tatawagin na yung mga Director's List..tae nakakapanliit..haha andun na lang kami ni athena sa likod at humihiling..naks humihiling... na matapos na ang pagpapahiayang ginagawa... tae.. lumalalim ako.. buti na lang may Jolibee (nako Jolibee) sa labas.. kumain na lang kami...hahaha

pagkatapos, tinawag yung mga teachers na matagal na sa Pisay... go Ma'am Bernal!!^_^ pati pala yung mga alumni... si sir Kent.Kent Kawashima..hahaha. at marami pang iba..nagperform din pala yung fourth year na nanalo sa sayaw interpretasyon.. galing nila tae..ganda ng effect ng red cloth at face paint..galing!! ganda ng concept..sooobra. may part pa don na yung music nila galing sa step up 2..astig talaga^_^

so...ayun, natapos na...aym hmberi hapi..

tapos dinistribute na yung shirt.tas nagpalit ako ng damit kasi sabi nila may touch ball daw ulit..tinawagan pa nga ako ni Adie eh..hahaha.. hinintay lang naming mag 2pm kasi may talent show nga diba?? ang pinakainaabangan: teachers.. espescially math unit! whooo..
grabe...

No comments: